Simula ng tinatanong ako nung 2nd or 3rd year ng high school kung ano yung ambisyon ko sa buhay, parang wala akong masagot, kundi "Uhm. ewan ko po.". Parang minsan ang sarap ngang sabihin "Wala pa kong plano, ikaw ba may plano nung ganitong taon ka?!". Oo na, ang sungit ng dating. Pero nakakairita lang kasi kung parating tinatanong yun sayo. Parang papatong patong yung bigat ng pressure na dala mo.
Hanggang ngayon parang pakiramdam ko wala pa din akong direksyon sa buhay. Nung bata ako gusto ko maging doctor. Para makatulong sa mga may sakit. Pero nung medyo dumevelop na yung brain cells ko parang nung nakakita na ko ng mga malalaking sugat sa ibang tao parang nandidiri ako ng di ko makayanan. Kaya hindi ko na lang naisipan maging doctor ulit.
Habang palaki ako nang palaki. Dumaan naman sa isip ko yung pagiging astronaut. Ambisyoso ako non. Mahilig mag feeling. Pero mabilis din yung naglaho kasi sa US lang yung mga magandang aeronautics na eskwelahan. Nangarap pa naman ako makapag talon sa outer space. Inaamin ko, feeling akong bata. Lahat naman tayo feeling dati eh. haha!
Pero simula nung gumagawa na ko ng mga tula at mga storya nung mga late grade school, nakakatanggap na ko ng mga sabi mula sa mga teacher at mga kaklase na magaling akong magsulat. Kaya napag isipan kong maging writer o journalist. Kung ano man yung mas bagay sa kin.
Yung gusto ko lang naman ngayon sa buhay ay makapag sulat nang makapag sulat. Don naman kasi ako nakakapaglabas ng damdamin eh. Tsaka dito mas naiintindihan ng mga tao kung ano yung mga gusto kong sabihin. Parang wala nang pasikot sikot. Basta andon na yung punto ko sa mga pinagsusulat ko. Malay ko ba kung ano yung mararating ko sa pag asam na toh. May tatanggap nga ba sa kin?. Ano nga ba yung magagawa ko sa pagsusulat lamang?. May mahahantungan nga ba ako sa mga pinagsusulat ko?. Hmm. Siguro maghihintay na lang muna ako at titignan ko kung san ako madadala nitong gusto ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment