Sunday, September 6, 2009

HSSian Ka Kasi...

I miss HSS so so so much. I guess you could say i was reminiscing while making this. To those who wish to repost this pls give credit to Patsy Carrillo. I have rights too yah know:))


Oh yeah, and you're welcome to add anything to the list. Just as long as it isn't offensive. Anything that you know makes HSS HSS. Have fun reading it, because I sure had fun writing this. Truth in love;):p


HSS-ian ka kasi:



1. Nahuli kang maikli yung socks at yung chemise. Mas lalo na yung chemise, mahuhuli ka talaga pag hindi ka naka chemise. Hala!

2. Pinagalitan ka na ni Ms. Penetrante, kulit mo noh?. (peace Ms. P!)

3. Pag practice para sa mass ganadong ganado ka kumanta, pero pagdating sa real thing, mananahimik ka lang at nakatulala sa space, nagtataka kung aabot pa ba yung 3rd subject mo sa mass o kung pagbibigyan kayo na recess na agad after mass.

4. Memorize mo na yung 5 favorite words ni Sister Tess. “May God bless us all.”

5. Pag nakakakita ka ng madre feel mo kilala ka nila at kilala nila si Sister Tess kaya na prepressure ka at kailangan mong mag greet.

6. Feel mo na yung mga teacher mo dapat sa school lang nakikita. Alalahanin mo, hindi sila bawal gumala katulad mo, tao din sila hija!

7. Kahit wala ka naming dalang electronic gadget sa school at nagkaka inspection parang feel mo magkaka heart attack ka na sa nerbyos kasi parang pakiramdam mo biglaang lilitaw sa bag mo yung cp, digicam, ipod/mp3, etc na mga gamit mo.

8. Pag mainit at break time takbo ka agad sa guidance room o library para tumambay.

9. Nagka jarbs(jabar) ka na at nakita toh ng mga kaklase mo.

10. Either nanenerbyos kang makipag usap sa lalaki o masyado kang atat na makipag kilala sa mga lalaki.

11. Pag gigimick ka after school at sasabay ka sa kaibigan, maghahanap ka ng kahit anong rason para lang ma-signan yan permission letter mo. Siyempre yung mga good seeds dyan ng HSS walang problema. May good seeds nga ba?. Haha. Eh ikaw?

12. Nag hahanap ka ng kahit anong lusot para makatambay sa clinic kasi ayaw mong mag attend sa class. Kunyari hihingi ka lang ng agua oxehynada(tama ba yung spelling?) eh umupo ka na don at kinausap mo na yung mga batang pumapasok sa clinic na may sugat o sakit at kilalang kilala na ni Tita Ces yang muhka mo kaya parang onti na lang maglalagay siya ng poster sa clinic na banned ka na don. Yari ka!:))

13. Nahihirapan ka minsan mamili ng damit pag pwede na mag civilian. Dami kasing bawal eh. Pero alam kong madami dyang pume-pekpek shorts(ok now that sounded soooo gross when I typed it. LOL) sa HSS. I've seen it with my own eyes.

14. Pag nag dala ka ng lalaki sa HSS isip agad ng mga tao na boyfriend mo siya, not unless grabe naman siya sa pagkatanda o grabe naman sa pagka bata, ano ka?, pedo?. Haha!

15. Pag bus ka at ayaw mo pang umuwi magtatago ka sa conductor mo, pero pag iniwan ka naman parang miserableng miserable ka at ewan mo kung pano ka uuwi.

16. Morning routine mo usually, makipag siksikan sa locker bago mahuli ni Mrs. Mariano na late, mag line sa tapat ng init, mag dasal tapos mag ingay sa class. Usually ah. Haha.

17. Nawbwibwiset ka dahil sa liit ng canteen natin at sa mahal ng pagkain. Simpleng nilalang lang kasi tayo, diba?. Aminin niyo, mga tipid tayong lahat sa HSS:))

No comments:

Post a Comment